-- Advertisements --
Nakatakdang bumisita sa bansang Turkey at Lebanon si Pope Leo XIV.
Ayon sa Vatican, na ito ang unang pagbiyahe ng Santo Papa mula ng maupo sa puwesto noong Mayo.
Siya rin ang unang US pope na bibisita sa Turkey na isasagawa mula Nobyembre 27 hanggang 30.
Pagkatapos nito ay tutuloy siya sa Lebanon mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 2 kung saan inaasahan na makakausap niya ang mga Kristiayon na nasa Gitnan Silangan para iapila ang kapayapaan sa lugar.
Sa kaniyang pagdalaw sa Turkey ay inaasahan na makakapulong niya si Patriarch Bartholomew ang spiritual lider ng Orthodox Christians.