-- Advertisements --

Matapos ang matagumpay at makasaysayang Conclave , nagkitang muli si Pope Leo XIV at Cardinal Luis Antonio Tagle sa Vatican.

Ang pagpupulong ng dalawa ay naging pribado ayon kay Cardinal Tagle.

Aniya , itinuturing nitong “missionary shepherd” si Pope Leo XIV dahil na rin sa malalim nitong pananampalataya at di matatawarang misyon sa simbahang katolika.

Ibinahagi rin ni Cardinal Tagle sa isang panayam ang espiritwal experience sa ginanap na makasaysayang Conclave.

Naging mabilis aniya ang pagpili ng mga Cardinal ng bagong Santo Papa sa katauhan ni Cardinal Robert Francis Prevost kung saan ay katabi mismo ni Cardinal Tagle sa Sistine Chapel .

Ibinahagi rin nito ang simpleng pamumuhay ni Pope Leo XIV na kung saan mayroon itong kababaang loob.

Malalim rin aniya ang pananampalataya ng Pope Leo XIV habang umaasa naman si Cardinal Tagle na ipagpapatuloy ng bagong Santo Papa ang mga nasimulan ng namayapang si Pope Francis.