-- Advertisements --

Pangunahing tinalakay ni Pope Francis sa kaniyang pagbisita sa Marseille, France ang problema ng pagdami ng mga migrants.

Nakipagpulong ito sa mga opisyal ng lungsod para talakayin ang dumaraming nasasawing mga migrants na nagtutungo sa nasabing lugar.

Mararapat aniya na gumawa na ng hakbang ang gobyerno para matigil na ang pagdami ng mga lumulubog na bangka na sinasakyan ng mga migrants na naghahanap ng magandang buhay.

Ayaw aniya na matawag na tila isang sementeryo ang Mediterranean dahil sa dami ng mga nasasawing tumatawid sa nasabing lugar.