-- Advertisements --
Hinikayat ni Pope Francis ang mga mananampalataya na ipagdasal si dating Pope Benedict XVI dahil sa sakit nito.
Ayon sa Santo Papa na nananatiling humina ang pangangatawan ng 95-anyos na si Pope Benedict XVI.
Personal umano binisita ni Pope Francis si Pope Benedict.
Noong 2013 ay nagbitiw sa kaniyang posisyon si Pope Benedict XVI dahil sa paghina ng kalusugan nito.
Ang German pope emeritus na si Joseph Ratzinger ay nananatili sa kumbento sa loob ng Vatican.