-- Advertisements --

Sumentro sa walang kapagurang pagpapatawad ang naging mensahe ni Pope Francis sa misa para sa Lord’s Supper.

Sa kinaugaliang ginaganap ang misa sa prison facilities ay napili ngayong taon ng Santo Papa ang female section ang Rebibbia correctional facility sa Roma.

Bukod sa pinangunahan nito ang misa ay hinugasan nito ang mga paa ng ilang mga inmates, guards, chaplains at mga opisyal sa labas na bahagi ng pasilidad.

Sinabi nito na hindi siya nagpunta sa lugar para pagsilbihan at sa halip ay para magsilbi.

Gaya ng ginawa aniya ni Hesus ay pinatawad niya ang nagtraydor na disipulo niyang si Hudas na naging ganid at makasarili.