Iniimbestigahan pa ng PNP kung ano ang motibo sa likod ng pagbaril-patay ng isang pulis sa kapwa pulis sa loob mismo ng Camp Bagong Diwa sa lungsod ng Taguig.

Kinilala ang biktima na si P/Maj. Emerson Palomares ng Special Action Force (SAF), na idineklarang dead on arrival sa ParaƱaque Doctors Hospital.

Nadakip naman ng kanyang mga kabaro ang suspek na si P/MSgt. Sanwright Lobhoy at nasa ilalim na ng kustodiya ng SAF.

Ayon kay Taguig chief of police P/Col. Alex Santos, nakatanggap daw sila ng report na may nangyaring shooting incident sa pagitan ng isang police official at non-commissioned officer sa loob ng Camp Bagong Diwa pasado alas-5:00 ng hapon kahapon.

Batay aniya sa report, may alitan na ang dalawang pulis at pinatawag ni Palimares si Lobhoy sa kanyang opisina.

Sinisiyasat pa kung ano ang pinag-awayan ng dalawa at kung kaninong baril ang ginamit ng suspek.