Nagpahayag ng malasakit ang aktres at komedyanteng si pokwang para sa mga tindero sa kalsada na patuloy na nagtitinda sa kabila ng malalakas na ulan at matinding pagbaha dulot ng pinalakas na habagat.
Sa kanyang Instagram post noong Martes, ikinuwento ni Pokwang na pinakiusapan niya ang kanilang kasambahay na huwag nang tumawad sa presyo ng mga paninda sa palengke upang kahit papaano’y kumita ang mga tindero. “Kahit baha, nagtatrabaho pa rin sila. Mag-ingat po tayong lahat,” ani niya.
Sa kanyang Instagram post noong Martes, ikinuwento ni Pokwang na pinakiusapan niya ang kanilang kasambahay na huwan nang tumawad sa presyo ng mga paninda sa palengke upang kahit papaano’y kumita aniya ang mga tindero.
“Kahit baha, nagtatrabaho pa rin sila. Mag-ingat po tayong lahat,” ani Pokwang.
Magugunitang muling lumubog sa baha ang Metro Manila dahil sa walang tigil na ulan na dala ng habagat na pinalala ng bagyong Crising (Wipha), dalawang low-pressure area, at tropical storm Dante.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, isa sa mga dahilan ng pagbaha ay ang maling pagtatapon ng basura.
Samantala, iniulat ng Department of Public Works and Highways na 70% ng drainage system sa Metro Manila ay barado na kaya hindi na nito kayang kontrolin ang pagdaloy ng baha.