-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na lahat ng kikitain ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) mula sa Philippine offshore gaming operations (POGO) ay “all accounted for” at walang korupsyon.

Sa press conference kagabi sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Duterte na pinapayagan ang POGOs dahil kailangan ng bansa ang perang kinikita sa industriya.

Ayon kay Pangulong Duterte, nasa P2 billion ang kinikita ng PAGCOR mula sa POGO kada buwan at kailangan ito ng bansa.

“That POGO earns about P2 billion a month. We are not justifying it. We’re just saying that it is allowed because we need the funds,” ani Pangulong Duterte.

Inihayag naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na may sapat na dahilan si Pangulong Duterte para hindi ipatigil ang operasyon ng mga nasabing online gaming hubs.
Maliban pa daw ito sa report o rekomendasyon ng PAGCOR.