-- Advertisements --
Kung mayroon lamang kapangyarihan si Vice President Sara Duterte na puwedeng ipa-inhibit ang mga mambabatas na tatayong impeachment judges ay kaniya itong gagawin.
Ayon sa Bise Presidente na dahil sa wala itong kapangyarihan ay ipapaubaya niya ang desisyon sa mga mambabatas kung sino ang maaring nais na ituloy na siyang maging impeachment judge.
Hindi rin nakaligtas sa kaniyang puna si Senator Risa Hontiveros kung saan malinaw aniya na kontra ito sa mga Duterte.
Magugunitang tiniyak ng bise na handa ang kaniyang kampo sakaling simulan na ng senado ang impeachment trial sa kaniya.