-- Advertisements --

Nananatiling hindi malinaw kung uupo si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang alkalde ng Davao City.

Ayon kay Vice President Sara Duterte, wala pang petsa kung kailan manunumpa ang kaniyang ama bilang alkaldeng siyudad.

Sinabi ng Bise Presidente na may hiwalay na mga Pilipinong abogado na humahawak ng oath taking ng kaniyang ama.

Bagamat blangko umano ang Ikalawang Pangulo sa detalye ng kanilang pinagusapan.

Sinagot din ni VP Sara ang isyu sa hindi paghahain ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng dating Pangulo.

Paliwanag ng Bise Presidente na kailangan munang manumpa bago maisumite ang naturang dokumento.

Kaya, ang ginawa ng abogado ni dating Pangulong Duterte ay ni-represent siya sa Commission on Elections.

Nauna ng tinukoy ng poll body si dating Pang. Duterte kasama ang dalawa pang mayoral candidates na bigo umanong makapagpasa ng SOCE sa itinakdang deadline noong June 11.

Ayon sa Comelec, isang legal requirements ang SOCE na kailangang isumite ng lahat, nanalo man o hindi sa nakalipas na 2025 midterm elections.

Hindi naman mauupo pa ang dating Pangulo bilang alkalde hangga’t hindi pa siya nanumpa, ayon kay VP Sara, kayat ang tanging magagawa aniya ng taumbayan ay mag-antay hanggang sa Hunyo 30.