Itinalaga na bilang bagong hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si PBGen. Romeo Macapaz ayon yan sa Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Police Regional Office III Director at PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, mayroon nang kautusan mula sa tanggapan ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III na italaga na at gawing epektibo na ngayong araw ang pagupo ni Macapaz bilang bagong Director ng CIDG unit ng PNP.
Bago pa man ma-promote bilang bagong CIDG Director ay una nang namuno si Macapaz sa Bangsomoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang bagong opisyal nitong nagdaang eeksyon.
Samantala, pupunan ni Macapaz ang pwesto na naiwanan ni Torre na ngayo’y hepe na ng Pambansang Polisya habang papalit naman kay Macapz bilang PRO-Bar Director si PBGen. Jaysen De Guzman.