-- Advertisements --
Kabilang ang Philippine offshore gaming operators (POGOs) na hindi papayagan mag-operate ngayong ipinapatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon.
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, na dapat sumunod ang mga POGO sa bansa sa ipinapatupad na hakbang ng gobyerno para hindi na kumalat pa ang coronavirus disease of 2019 o COVID-19.
Tanging ang mga establisyemento na nagbibigay ng basic necessities gaya ng public markets, supermarkets, groceries, convenience stores, hospitals, medical clinics, pharmacies at drug stores.
Kasamang bukas naman ang business process outsourcing (BPO) establishments o call centers and export-oriented industries pero kailangan obserbahan ang social-distancing measures.