Masaya na rin Philippine Olympic Committee (POC) sa naging resulta ng performance ng Pilipinas sa katatapos na 33rd Southeast Asian Games.
Ayon kay POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino, na kahit na hindi nahigitan ang nagdaang medalyang nakamit at ang pagbaba ng ranking na mula sa pang-lima ay naging pang-anim na ngayong taon ay kuntento naman sila.
Sa pagtatapos kasi ng torneo nitong gabi ng Sabado ay mayroong nahakot na 50 gintong medalya, 73 silver at 154 na bronze medals.
Kumpara noong dalawang taon na ginanap sa Cambodia na mayroong 58 gold, 85 silver at 117 bronze medals.
Dagdag pa ni Tolentino, na tagumpay na maituturing dahil may mga record na nabasag ang mga atleta ng bansa, tinalo din ng mga Pinoy ang mga laro ng Thais at matagumpay na naidepensa ng bansa ang sariling laro.
Magugunitang mayroon na lamang 10 bansa ang lumahok matapos ang pag-atras ng Cambodia dahil sa naging alitan nila ng Thailand sa border.
















