-- Advertisements --

NAGA CITY – Hindi bababa sa siyam na poste ng kuryente ang natumba matapos na sumabit ang PNR (Philippine National Railways) train sa isang kable sa Greenland, Concepcion Pequeña, Naga City.

PNR incident LSI Naga

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Rinner Bucay, tagapagsalita ng CASURECO (Camarines Sur II Electric Cooperative) II, sinabi nito na ang nasabing tren ay may sakay na mga locally stranded individuals (LSIs) mula sa Metro Manila.

Ayon kay Bucay, inaalam pa ng ahensya kung ang linya na sumabit sa tren ay isang cable wire o mula sa isang telephone company.

Dahil dito, maraming residente ang nakaranas ng pagkawala ng kuryente sa lugar kung saan pinangangambahang abutin pa ito ng tatlong araw.

Sa ngayon, nasa 75% pa lamang ang naibalik na power supply habang 35% ang wala pang kuryente.