-- Advertisements --

Walang nakikitang anumang banta ang Philippine National Police (PNP) ilang oras bago agn pagsisimula ng May 12 national and local elections.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, nakasentro ang deployment ng mga kapulisan sa araw ng halalan sa mga polling centers, election hubs, checkpoints at border controls at ang election-related activities.

Dagdag pa nito na walang anumang seryosong banta n maaring sisira sa halalan.

Pagtitiyak niya na hindi sila nagkukumpiyansa at sila ay laging naka-alerto.

Mahigpit din ang ugnayan nila sa iba’t-ibang mga regional office para matiyak ang maayos na halalan.