-- Advertisements --

Ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng mga unit commanders na maging alerto at paigtingin ang kanilang police opeatins laban sa CPP-NPA-NDF, kasunod sa nangyaring bomb attack sa Iloilo na ikinasugat ng dalawang pulis.

Pinasisiguro ni Eleazar sa mga commanders na huwag bigyan ng pagkakataon ang komunistang grupo na makapag extort ng pera na siyang gagamitin nila para sa kanilang recruitment at pagsasagawa ng karahasan.

Kinilala ni PNP chief ang dalawang nasugatang Pulis na sina Patrolman Jessie Castamado at Police Corporal Genel Simpas.

Sinabi ni Eleazar na sa ikinasang follow-up operations nakasagupa ng mga pulis ang mga rebelde kung saan umigting ang pitong minutong labanan.

Pinaniniwalaang may casualties sa panig ng rebeldeng grupo.

Samantala, tiniyak ni Eleazar na kanilang paka tutukan ang mga lugar sa bansa na may mataas na presensiya ng armadong grupo lalo na ang New Peoples Army (NPA) at may history ng election related violence incident.

Ang pahayag ni PNP chief ay bunsod sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng mga pulis sa Masbate at mga miyembro ng New Peoples Army na ikinasawi ng limang NPA sa Barangay Bugtong, Mandaon, Masbate.

Sinabi ni PNP Chief ang nasabing operasyon ng PNP laban sa mga NPA sa ay bahagi nang kanilang pinalakas na offensive operation na layong masiguro na magiging payapa at maayos ang nalalapit na halalan sa susunod na taon.

Ang Masbate ang isa sa mga lugar sa bansa na palaging may naitatalang karahasan tuwing panahon ng halalan.