-- Advertisements --

Sinimulan na ng Department of Energy (DOE) ang pagbuo ng mga panuntunan upang matiyak na ang transition ng Pilipinas sa nuclear energy ay hindi makokompromiso ang kalikasan.

Sa pangunguna ng Nuclear Energy Program-Inter-Agency Committee (NEP-IAC), isinagawa ang isang technical workshop upang talakayin ang mga environmental requirements para sa mga nuclear power plant projects.

Ayon kay DOE Legal Services Director Myra Fiera Roa, layunin ng komite na tukuyin ang papel ng bawat ahensya ng gobyerno sa regulasyon ng nuclear energy, pati na rin ang Environmental Impact System checklist para sa mga conventional plant at small modular reactors.

Iginiit ng DENR na mahalaga ang isang matibay na regulatory framework upang matiyak ang kaligtasan mula planning hanggang operations ng mga nuclear power plant.

Bago maipatupad ang mga proyekto, kailangan muna umanong kumuha ng mga dokumento gaya ng License to Operate mula sa Philippine Nuclear Research Institute, Certificate of Endorsement mula sa DOE, at Environmental Clearance Certificate mula sa DENR.