(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Tinutukan na rin ng pulisya ang ibang posibleng dahilan kung bakit ipinapa-ambush patay ng hindi pa rin tukoy na utak ng kremin ang medical director ng isang pribadong ospital ng Cagayan de Oro City.
Ito ay kahit unang ibinunyag ng mga arestadong suspek na kaya sila kinuha bilang ‘hired killers’ ay dahil sa isyu umano na pambababe ng biktima na si Dr Raul Winston Andutan subalit mayroon pang iba na maaring makapagbigay-linaw ukol sa pinakaugat ng pangyayari.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Police Maj Evan Viñas,tagapagsalita ng Cagayan de Oro City Police Office na kabilang na mga anggulo na tinutukan nila ang pagkakulong ng isang kasamahang empleyadong babae ng biktima dahil umano’y naka-dispalko ng malaking halaga ng pera sa kanilang asosasyon.
Maliban rito ay inaaral rin ng mga imbestigador ang ukol sa umano’y land dispute na pagmay-ari sa pamilya ng biktima at maging ang kinasangkutan na vehicular crashed nito kung saan dalawang menor de edad ang nasagasahan.
Nagsilbi na lamang panghuli ang patungkol sa kanyang trabaho bilang doktor sapagkat pawang papuri naman mula sa propesyon nito ang narinig ng pulisya at maging sa nagsilbi nito na mga pasyente.
Kaugnay rin nito,patuloy ang pagtugis ng isang nagngangalang Rene Tortusa na dating army reserved dahil maaring ito ang makapagbigay susi upang tuluyang mahubaran ng maskara kung sino ang pinaka-utak ng kremin.
Magugunitang nailibing na ang biktima na dinaluhan ng kanyang mga kasamahan sa propesyon at mga empleyado ng Maria Reyna -Xavier University Hospital kung saan nagsilbi itong medical director.
Hinihintay na rin ang paglabas ng court commitment order ng kasong murder upang i-akyat sa regular jail ang arestadong suspected hired killers na sina Joel Nacua,Jojo Chavez ;Jomar Adlao at Felipe Tinabnab na umano’y tumambang kay Andutan habang sakay ng pribadong sasakyan sa 12-29th Streets,Barangay Nazareth nitong syudad noong Huwebes ng umaga.