-- Advertisements --

pnpcovid

Masasabing protektado na laban sa severe Covid-19 infection ang hanay ng Pambansang Pulisya matapos sumampa sa halos 100% personnel ang bakunado.

Ikinatuwa naman ito ng pamunuan ng PNP at Administrative Support for Covid-19 Task Force (ASCOTF).

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PNP The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt. Gen. JoselitoVera Cruz, malaking bagay na maging bakunado ang kanilang mga tauhan lalo na at sila ay nagsisilbing mga frontliner.

“Yes Anne. Of course we are happy that almost 100% na of our personnel are vaccinated because that means we are protected from severe Covid19 infection,” mensahe ni Lt.Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Batay sa datos ng PNP ASCOTF mula sa Health Service nasa 200,812 police personnel mula sa kabuuang 224,021 pwersa ng PNP ang fully vaccinated.

Habang 20,325 personnel ang naghihintay ng kanilang second dose.

Ayon sa Heneral nasa 2,884 personnel naman ang ayaw magpabakuna kung saan 859 dito ay mayruong valid reasons dahil sa kanilang medical conditions.

Karamihan naman sa 2,025 unvaccinated personnel ay nag execute ng waiver na ayaw talaga nila magpabakuna, habang ang iba ay naghihintay lamang ng availability ng bakuna.

Sinabi ni Vera Cruz, nasa 9% na lamang sa PNP ang naghihintay ngayon ng kanilang second dose ibig sabihin maliit na porsiyento na lamang ito.

Aniya, maaari pa naman magpa bakuna ang mga personnel na tumanggi sa ngayon.
Siniguro naman ng Heneral na kanila pa rin imantine ang kanilang mga isolation and treatment facilities kahit patuloy sa pagbaba ang kanilang Covid-19 cases.

Sa katunayan ang kanilang Kiangan and Treatment facility ay mayruong pitong pasyente na lamang sa ngayon.

” Oo siyempre, ime-maintain pa rin natin, kung matatandaan nuong last week of July gaya ngayon ang patient namin sa Kiangan nasa pito nalang din so same number ito nung July tapos from pito umabot na naman sa 60 plus, kaya we cannot be assured na talagagang wala na, sabi nga were not out of the woods yet,” pahayag ni Lt. Gen. Vera Cruz.