-- Advertisements --
Nagtala ng career-high ranking si Pinay tennis star Alex Eala.
Sa inilabas na ranking ng Women’s Tennis Association (WTA) ay umakyat ang ranking nito sa 54 mula sa dating 58.
Inilabas ang ranking isang araw matapos ang bigo nitong first round sa Wuhan Open qualifiers laban kay Moyuka Uchikima.
Itinuturing na naging abala ang 20-anyos na tennis star noong Setyembre mula ng magwagi ito sa WTA title win sa Guadalajara 125 Open.
Magugunitang nakapasok siya sa semifinals ng Jingshan Open at hanggang quarterfinals lamang ang naabot nito sa Suzhou Open nitong Biyernes.