-- Advertisements --

Inihayag ng kasalukuyang kalihim ng Department of Justice na si Sec. Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na wala pa silang natatanggap na ‘warrant of arrest’ mula sa International Criminal Court laban kay Senator Bato Dela Rosa.

Kung saan itinanggi ng kalihim na mayroon ng arrest warrant kontra sa naturang senador sa kabila ng posibilidad sa pag-iisyu ng International Tribunal.

Maaalalang unang nabanggit ni former Sen. Antonio Trillanes IV na posible umanong ilabas o mag-isyu na ng arrest warrant ang International Criminal Court sa unang bahagi ng susunod na taong 2026.

Isa si Trillanes sa mga naghain ng reklamo sa naturang International Tribunal kontra kay former President Rodrigo Duterte.

Habang si Sen. Bato Dela Rosa naman ay ang siyang isa sa mga matataas na opisyal ng administrasyong Duterte na nagsilbi bilang hepe ng Philippine National Police.

Sinasabing may kaugnayan ito sa implementasyon ng war on drugs na siyang programa ni dating Pangulong Duterte at siyang dahilan sa kanyang pagkakadetene sa The Hague, Netherlands.

Gayunpaman ibinahagi ni Justice Sec. Remulla na hindi nakikita ng Department of Justice na may planong lumabas ng bansa ang mga indibidwal na posibleng silbihan ng warrant of arrest.