-- Advertisements --

Walang halong pulitika ang ginawang pagsisiwalat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa flood control anomaly.
Pahayag ito ng Pangulo sa kaniyang podcast interview.

Naniniwala si Pangulong Marcos na base sa kasalukuyang sitwasyon, nasa sariling bakuran na at kaniyang mga kaalyado ang direksyon ng imbestigasyon sa isiniwalat niyang malawakang korapsyon sa mga proyekto ng gobyerno.

Giit ng pangulo ang tanging layunin niya rito ay para matigil na ang pagpapasasa ng iilan sa pondo ng taongbayan.

Patuloy aniya niyang ipupursige ang imbestigasyon dahil kung hindi siya kikilos walang saysay ang pagsisikap niyang paunlarin ang bansa.

Kung magpapatuloy aniya ang mga insidente ng katiwalian sa gobyerno, hindi magiging maayos ang mga eskwelahan at ospital kung hindi nagagamit nang tama ang pondo ng bayan.

Deka dekada na aniyang ganito ang nangyayari at pagwawaldas sa pondo ng gobyerno at ayaw niyang maging bahagi nito lalo na sa usapin ng palpak na pagsiserbisyo sa publiko.

” I think we’re already there. Why would I even start such a thing if it was of somehow for political advantage?
The reason I brought it up and made it part of the national discourse was quite simply because this could not go on. Because if it kept going – suddenly you discovered how deeply entrenched this entire system was. I mean, there’s always been a you know – a sniff and the suspicion of corruption in government, you know, the different… But not this scale. That was the shocking part. And I said this cannot.
Nothing will happen to the Philippines if we carry on this way. Wala na talagang mangyayari sa atin. The economy will never grow properly. People are not going to get helped. The schools will not get better. The hospitals will not get better. We will not get anywhere,” pahayag ni Pang. Marcos.