-- Advertisements --

Naniniwala si House Minority Leader at 4Ps Partylist Rep. Marcelino Libanan na mas mabuti na isulong ang constitutional change sa halip na snap election, kung nais ng tunay na pagbabago hindi lang sa mga nakaupong pulitiko kundi sa buong sistema. 

Tugon ito ni Libanan sa mungkahi ni Senator Alan Peter Cayetano na resign all at mag-daus ng snap election. 

Binigyang-diin ni Libanan na ‘genuine electoral reform’ ang kailangan kabilang ang campaign spending. 

Giit ni Libanan ang gagawing pagbabago sa bansa ay kailangan ng rebooting sa sistema.

Sa ngayon may pending bill na sa Kamara na nananawagan ng Constitutional Convention o Con Con. 

Inihayag ni Libanan, wala sa Konstitusyon ang snap election at tanging ligal lamang ay Con Con, Con-As at People’s Initiative.

Ang GAA 2026 ay kasalukuyang sumasailalim sa masusing pagsusuri ng Kamara.

Sa darating na Biyernes, October 10,2025 itinakda ang period of amendments para sa 2026 national budget.