-- Advertisements --

Nagtalaga ng hindi bababa sa 2,250 na pulis ang Philippine National Police (PNP) bilang karagdagang tulong sa mga apektado ng magnitude 6.9 na lindol na siyang tumama sa Cebu City.

Ayon kay Directorate for Police Community Relations Deputy Director PBGen. Antonio Marallag Jr.,ang mga pulis na ito ay mula sa iba’t ibang yunit na siyang inatasan na maging karagdagang manpower sa Cebu.

Habang nakadeploy ang bultuhang pwersa mula sa Police Regional Office 7 ay nagtalaga rin ng augmentation ang Pambansang Pulisya mula sa PRO 8, Negro Isand Region at maging mula sa iba pang yunit.

Ang mga tauhan na ito ay nakapokus ngayon sa pagtulong sa relief operations sa lugar maging sa rehabilitasyon sa mga apektadong lugar.

Kasama din sa magiging pokus ng pulisya ang pagpapanatili din ng seguridad at kaligtasan ng publiko na siyang apektado ng lindol.

Sa ngayon, naiulat rin ng PNP na mayroong 34 na PNP stations ang siyang kabilang sa mga napinsala sa lindol habang 37 naman ang apektadong personnel.