-- Advertisements --

Hindi kinagat ng Malakanyang ang panawagan ni Sen. Alan Peter Cayetano na magbitiw sa puwesto ang lahat ng kasalukuyang opisyal at magdaos ng snap election.

Ayon kay Palace Press Officer USEc. Claire Castro, wishful thinking lang ito ni Cayetano o paghahangad ng isang bagay na imposible.

Sabi ni Castro, abala si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na magtrabaho para sa bayan lalo’t kailangang tulungan ang mga naapektuhan ng lindol at bagyo.

Giit ni USec. Castro wala aniyang panahon ang Pangulo sa ganitong klase ng pamumulitika.

Binigyang diin ng Palasyo na ang dapat tutukan ay ang pangangailangan ng mamamayan at hindi ang mga pansariling interes lang.

” It is just his wishful thinking. We do not have time to talk about one’s personal desires. Abala ang Pangulo na magtrabaho para sa bayan at tulungan ang mga naapektuhan ng lindol at bagyo. Wala po siyang oras sa mga ganitong klaseng pamumulitika. Mag focus po tayong lahat sa pangangailangan ng mamamayan hindi sa mga pansariling interes lang,” mensahe ni Usec. Claire Castro.