-- Advertisements --

Nagsagawa ng radio challenge ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa dalawang barko ng China sa karagatan ng Zambales.

Ayon kay PCG spokesperson for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, nangyari ang insidente habang nagsasagawa sila ng paghahanap sa nawawalang mangingisda.

Dagdag pa ng opisyal na ang Chinese-flagged vessels ay nakitang nagpapatrolya sa may Exclusive Economic Zone (EEZ) na ng Pilipinas.

Kahit na mayroon presensiya ng barko ng China ay hindi sila tumigil para mahanap ang nawawalang mangingisda.

Itinanggi naman ng Chinese Embassy to the Philippines ang naging pahayag na ito ni Tarriela at sinabing nag-iimbento lamang ito ng kuwento.