-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ngayon ng Manila Police District kung anong kaso ang isasampa laban sa mga indibidwal na sangkot at nanood sa isinagawang street boxing match sa Tondo, Maynila.

Ito ay matapos ipinag-utos ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na tukuyin ang mga pagkakakilanlan ng mga indibidwal kabilang ang fighters at ang mga nanood.

Kinumpirma ni Eleazar na sinampahan na ng kaso ang isang opisyal ng barangay at dalawang indibidwal hinggil sa paglabag sa IATF guidelines at illegal gambling at game-fixing.

Pinuri naman ni Eleazar ang MPD sa agarang aksiyon hinggil sa insidente.

Naniniwala si Eleazar na kung ganito kabilis ang aksiyon ng mga pulis hindi malayong tumigil na ang mga pasimuno sa paglabag sa pandemic guidelines at minimum public health safety protocols dahil sa kulungan ang kanilang bagsak.

Nadismaya naman si Eleazar na mismong opisyal ng barangay ang sangkot na dapat siya ay magpakita ng ehemplo.

Mahigpit ang bilin ni Eleazar na tukuyin ang mga indibidwal at sampahan ng kaso.

“If you are not scared of Covid-19, please think about your families and the front-liners, including health workerss, and police officers, who have already died in the ongoing efforts to contain the disease,” wika pa ni Eleazar.