-- Advertisements --

Alam niyo ba mga ka bombo na maaari ninyong ma monitor ang mga proyektong pang imprastraktura ng inyong mga lokal na pamahalaan online?

Ayon sa Department of the Interior and Local Government , maaari na ninyo itong magawa sa pamamagitan ng ‘SubayBAYAN’ online platform.

Ito ay bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng transparency sa paggastos ng pondo ng gobyerno, partikular sa mga proyekto kontra baha.

Sa pamamagitan ng naturang platform, makikita ninyo real-time ang data ng mahigit 80,000 na proyekto.

Kinabibilangan ito ng mahigit 34,000 proyektong pinondohan ng LGU at 50,000 proyektong pinondohan ng national government, tulad ng mga kalsada, tulay, sistema ng tubig, multipurpose buildings, at evacuation centers.

Maaari rin ninyong i-ulat ang mga makikitang isyu sa pagpapatupad ng proyekto sa pamamagitan ng feedback system at audit trail.

Mangyari lamang na bisitahin ang https://subaybayan.dilg.gov.ph kung gusto ninyong mamonitor ang mga proyektong pang imprastraktura ng inyong mga lokal na pamahalaan.

Sa pamamaraan ito ay makatitiyak ang lahat na ang pondo ng gobyerno ay ginagamit sa pagtayo ng proyekto na kapaki-pakinanabang .