Aabot sa P400,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa anti-drug operations ng PNP sa Quezon City.

Naaresto sa Brgy. Pasong Tamo ang isang babae at tricycle driver na nagbebenta ng iligal droga kung saan nakuha sa kanila ang 42 gramo ng hinihinalang shabu.

Umabot naman sa 23 gramo ang nakuha sa isang kilalang tulak ng droga sa Brgy. Old Balara.

Inihanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa mga naarestong mga drug suspeks.