Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang panawagan ng Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ng kumilos ang gobyerno para tapusin ang problema ng communist insurgency sa bansa.
Ayon kay PNP Chief PGen. Oscar Albayalde, nakahanda silang harapin ang komunistang CPP-NPA.
Bukod sa pagtugon sa armadong pakikibaka, may mga hakbang din silang ginagawa gaya ng pag-engage sa pamamagitan ng dialogue sa mga legal fronts ng grupo na naka-embed sa ibat ibang sektor ng pamahalaan.
Tinukoy ni Albayalde ang nasa agriculture, labor, health, education at religious sector na kanila ng sinimulan.
Naniniwala kasi si Albayalde, “whole of nation approach” ang gagawing atake laban sa komunistang grupo para matuldukan na ang problema sa communist insurgency.
Una ng inihayag ng Pang. Duterte na posibleng magkaroon ng kaguluhan sa mga susunod na buwan kapag hindi matugunan ang problema.
Nitong Martes, sinimulan ng PNP at DILG ang initial dialogue nakipagpulong sa mga top officials ng academe kung saan sa nasabing pulong nabigyan ng kalinawan ang security sector kaugnay sa isyu ng academic freedom.
“Thats the very reason why we have the national task force, this is a whole of nation approach, not only a whole of government approach,” wika ni PGen. Albayalde.