-- Advertisements --

Nakaalerto na ang hanay ng Philippine National Police (PNP) para sa mga ikakasang kilos-protesta ng ilang mga grupo para sa selebrasyon ng Araw ng paggawa.

Ayon kay PRO III Director at PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, naka-standby na ang halos 60,000 mga pulis sa buong bansa para sa kanilang deployment ngayong araw.

Aniya, itatalaga ang mga ito sa mga pangunahing lugar na pagdarausan ng mga protesta at pagtitipunan ng mga nagwewelga sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Ang bilang na ito ay para matiyak na magkakaroon ng sapat na seguridad at kaayusan sa mga lugar na ito at matiyak na magiging ligtas ang mga pagdarausan ng mga protesta.

Kasunod nito ay inaasahan na ng PNP na pangungunahan na kilusang Mayo Uno ang mga pagkilos para sa kanilang mga panawagan na na pagtaas ng minimum wage sa P1,200 at pagbibigay ng wakas sa kontrakwalisasyon.

Sa kasalukuyan ay wala pa namang natatanggap na kahit anong ulat ang PNP na mayroong mga seryosong banta ngayong araw sa publiko ngunit tiniyak ni Fajardo na mananatiling nakaantabay at nakaalerto ang kanilang hanay kung sakali mang magkaroon ng mga emergency ngayong araw.