Gen Oscar Albayalde
PNP Chief Albayalde

Muling nagpatupad ng balasahan ang Philippine National Police (PNP) sa ilang senior police officers bilang bahagi ng kanilang reorganization.

Epektibo nitong Hunyo 3, nilagdaan ni PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde ang apat na bagong lipat na matataas na opisyal sa kanilang bagong assignment.

Ito ay batay sa naging rekomendasyon ng PNP Senior Officers Placement and Promotion Board (SOPPB).

Kabilang sa mga binalasa na mga opisyal ay sina PBGen. Carlito Feliciano– Deputy Director, Directorate for Integrated Police Operations DIPO-Eastern Mindanao; PBGen. Dennis Agustin acting Director, Anti-Cybercrime Group na galing ng PRO7; PCol.Ronaldo De Jesus – acting Ex-O,DIPO-Eastern Mindanao mula sa Anti-Cyber Crime Group ( ACG) at PCol. ILdebrandi Usana-acting Deputy Director for Admin, PRO 7 mula sa office of the Chief PNP.

Ayon kay Albaylde, panibagong set ito ng rigodon dahil sa mga nagreretirong opisyal.