Kinumpirma ni newly installed PNP Chief Lt Gen. Dionardo Carlos na may rigodon ipatutupad sa kanilang hanay.
Ayon kay Carlos, magsasagawa sila ng assessment sa performance ng bawat opisyal na siyang magiging basehan sa ipatutupad na balasahan.
Sinimulan ang balasahan sa designasyon ni PMGen. Rhodel Sermonia bilang number 4 man ng PNP ang The Chief Directorial Staff na dating pwesto ni Lt.Gen. Dionardo Carlos.
Ang pumalit sa pwesto ni Sermonia ay si BGen. Val De Leon na itinalaga bilang director ng Directorate for Operations mula sa Civil Security Group.
Mananatili naman sa kanilang pwesto sina Lt Gen Joselito Vera Cruz ang DCA at Lt Gen. Ephraim Dickson ang DCO.
Kahapon, November 14,2021 naglabas ng direktiba si PNP Chief Carlos kung saan 10 opisyal ang kabilang sa rigodon.
Ang assumption of office ng mga opisyal na kabilang sa rigodon ay epektibo ngayong araw November 15,2021.
Si Police BGen.Rommel Francisco Marbil ang itinalaga bilang bagong director ng PNP Highway Patrol Group (HPG), PBGen. Gregory Bognalbal ay itinalaga bilang deputy regional director for Admin ng Calabarzon mula sa HPG, BGen Arthur Cabalona itinalagang deputy director for Comptrollership.
Col. Dominic Baccay mula sa CSG maa assign sa PRO Calabarzon
Col.Christopher Dela Cruz mula sa DC to OCPNP
Col. Andre Dizon mula PRO1 to OCPNP
Col. Neri Vincent Ignacio mula sa OCPNP to PHAU,DPRM
Col. Radel Ramos mula sa OTDCS ay mare-assign sa DC
Col. Roel Cuevas Rodolfo mula sa OCPNP mare-assign sa PHAU,DPRM
Col.Villamor Tuliao mula sa DO mare-assign sa DC
Una ng sinabi ni Carlos na ang nasabing balasahan ay hindi malawakan, bagkus kanila lamang pinupunan ang mga bakanteng pwesto.