(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Mayroon ng person of interest ang Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) sa sinunog na lalaki sa Kamakawan, Indahag, Cagayan de Oro City.

Una rito, narekober ang katawan ni Marjun Mejos na maraming saksak sa katawan at sinunog pa kasama ang kanyang motorsiklo.

Sinabi ni COCPO spokesperson Lt. Col Mardy Hortillosa na may kinakaharap na kasong frustrated homicide si Mejos matapos itong makasaksak noong nakaraang taon ngunit pansamantalang nakalaya matapos makapaglagak ng pyansa.

Ayon kay Hortillosa na kabilang sa kanilang iniimbestigahan ngayon ang posibilidad na may kinalaman sa kinakaharap na kaso ang brutal na pagpatay sa biktima.