-- Advertisements --
Ipinag-utos ni Acting Philippine National Police (PNP) chief, Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga kapulisan nito na paigtingin ang kampanya laban sa mga modus na may kinalaman sa mga sasakyan.
Inatasan nito ang Highway Patrol Group (HPG) na palakasin ang ugnayan sa Anti-Cybercrime Group at mga Regional Offices para tukuyin ang mga namemeke ng mga rehistro ng sasakyan.
Tinawagan din nito ng pansin ang mga bangko, lending institution na iberipika ang mga transaksyon na may kinalaman sa mga sasakyan dahil sa pagdami ng mga nabibiktima.
Ilang insidente na kasi na nakarekober na mga sasakyan na pinepeke ang mga dokumento na kinasasangkutan ng ilang indibidwal.
















