ILOILO CITY – Kinumpirma ng pulisya na pinaglaruan pa ng mga suspek ang ari ang myembro ng LGBT commumity na brutal na pinatay sa loob ng Ana Ros Village sa Calajunan Mandurriao, Iloilo City.

Ang biktima ay si Peter Galea ng Calumpang, Molo, Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Col. Jonathan Pinuela, hepe ng Mandurriao Police Station, sinabi nito na lumabas sa kanilang pagsisiyasat na dumudugo ang puwet ng biktima at nakalabas na ang kanyang ari.

Sa ngayon anya, pahirapan pa rin na makita ang mga suspek sa krimen matapos nagtago umano sa rebel infested area sa Lalawigan ng Iloilo.