Inilunsad ngayong araw ng Philippine National Police (PNP) ang Comminuity Assistance, Safety and Support Network (CASSN) sa Binondo sa Maynila pasado 3:00pm ngayong hapon.
Layon ng CASSN na mabigyan ng mas ligtas at payapang komunidad ang mga inidibidwal na bahagi ng filipino-chinese community.
Sa paunang pahayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PBGen. Anthony Aberin, binigyang diin nito naang paglulunsad ng naturang programa ay isa lamang sa nagpapakita ng kanilang malakas na commitment at ang pagpapaigting aniya ng kapayapan at kayusan ay isang shared responsibility sa pagitan ng PNP at ng mga komunidad gaya ng mga filipino-chinese communities sa loob ng NCR.
Kaugnay nito, binigyang diin naman ni PNP Director for Police Community Relations PMGen. Roderick Augustus Alba na hindi lamang ito para sa kaligtasan ng filipino-chinese communities ngunit maging ng iba pang foreign communities sa loob ng kalakhang Maynila.
Aniya, ang inisyatibong ito ng kanilang hanay ay isa rin sa kanilang mga strategic response para sa mga nakarang mga naiulat na krimen na siyang nagkaroon ng malaking epekto sa mga filipino-foreign communities sa bansa.
Samantala, ang CASSN ay naglalayon na makapagbigay ng agarang aksyon mula sa PNP para sa anumang mga insidente at isa ring imahe ng pagbibigay ng tiwala ng mga naturang komunidad sa kapsidad ng kapulisan.
Tiniyak naman ng PNP na iksa lamang ito sa kanilang mga inisyatibo para matiyak ang seguridad at inclusivity para sa mga foreign communities sa Pilipinas.