Inihahanda na ng mga kapulisan sa Makati City ang kaso laban sa mga doctor na nagsagawa ng liposuction na ikinasawi ng isang negosyante.

Ayon Police Major Gideon Ines , director ng Makati Central Police Station (MCPS) Crimes Against Person Section, nagtungo sa isang clinic ng Makati ang biktimang si Nory Bobadilla, 43-anyos ng Binalbagan, Negros Occidental para sumailalim sa liposuction noong Hulyo 3.

Isinagawa ang nasabing operasyon sa Contours Advanced Face and Body Sculpting sa South Park Plaza sa Pazeo de Magallanes.

Kinilala ang mga inireklamo na sina Claudine Roura at Katrina Bulseca na lumabas na hindi pala anestheologist sa halip ay mga dermatologist lamang.

Dinala pa sa Parañaque Doctors Hospital ang biktima dahil sa pagtigil ng kaniyang hininga subalit binawian ito ng buhay nitong Hulyo 6.