CPNP6
-- Advertisements --

Pinaghahanap na rin ng Philippine National Police (PNP) ang mga Filipinong posibleng kasabwat ng mga napatay na Chinese drug dealers sa Barangay Libertador, Candelaria, Zambales.

Magugunitang apat ang nasawing Chinese sa joint anti-drug operation ng PNP at PDEA sa naturang liblib na lugar, habang ang iba pang mga kasamahan nila ay inaresto naman ng mga otoridad.

Maliban sa mga ito, tatlong Chinese din ang nahuli sa bayan ng Hermosa, Bataan, matapos mahulihan ng 80 kilong shabu na nagkakahalaga ng P544 million.

Sinabi sa Bombo Radyo ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, konektado ang mga suspek sa isang malaking sindikato at may mga kasabwat ding Pinoy, kaya ito naman ang panibagong subject ng kanilang mga operasyon.