Isang malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) hinggil sa insidenteng paghagis ng granada sa entrance ng isang cockfighting arena sa Manila.
Mismong si PNP Chief Gen. Dionardo Carlos ang naglabas ng direktiba na imbestigahan ang insidente para mapanagot ang salarin.
Sinabi ni Carlos na posibleng may kaugnayan ang insidente sa mga naiulat na nawawalang mga sabungero.
“Something is suspicious about a series of untoward incidents happening in cockfighting arenas. Aside from the grenade, our police are also looking into the disappearance of several individuals who were last seen in arenas,” pahayag ni PNP Chief Gen. Carlos.
Sa ngayon nasa 20 sabungero ang nawawala na iniimbestigahan ng PNP-CIDG.
Agad namang rumisponde ang mga tauhan ng Sta. Ana Police Station hinggil sa napaulat sa nadiskubring granada na inihagis sa lugar.
Na cordoned kaagad ang lugar at matagumpay na nadisrupt ang nasabing pampasabog.
Batay sa salaysay ng duty security guard, nakita niya ang mga suspeks sakay sa isang motorcylce scooter na walang plate number bandang alas-6:00 ng gabi nuong January 27.
Walang naiulat na nasugatan sa insidente.