Reading Time: 1 minute
PNP chief Oscar Albayalde
General Albayalde/ FB image of PNP

Isasangguni ng Philippine National Police (PNP) ang kaso kaugnay sa pagpapalaya kay dating Daraga,Albay Mayor Carlwin Baldo.

Ayon kay PNP Chief PGen. Oscar Albayalde, ang Office of the Solicitor General (OSG) ay siyang magbibigay direksyon sa kanila ng hakbang na Legal sa kaso.

Sinabi ni Albayalde, wala silang magagawa sa kaso dahil ang desisyon ay galing sa korte na dapat nilang respetuhin.

Magtatalaga sila ng opisyal mula sa CIDG na siyang makikipag ugnayan sa OSG para sa kaso.

Dahil sa kabila ng matibay na ebidensya na naiprisinta laban kay Baldo ay pinayagan pa rin itong makapaglagak ng piyansa.

Anim na milyong piso ang itinakda ng Legaspi RTC sa paglaya ni Baldo.

Si Baldo ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol PL Rep Rodel Batocabe at bodyguard nito na si SPO2 Orlando Diaz noong Dec 2018.

Nadisyama naman ang pamilya Batocabe sa naging desisyon ng korte.

” We will be asking their assistance kung ano ang pwede natin gawin although we cannot do anything about it because its a court order,” pahayag ni Albayalde.