Hindi pa umano kumbinsido ang PNP na ang sumuko at nagpapakilalang si alyas “Bikoy” ang siyang nasa likod ng serye ng mga “Ang Totoong Narcolist” videos na nagdidiin sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng iligal na droga.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PNP Spokesperson Col. Bernard Banac kaniyang sinabi na hindi nila agad paniniwalaan ang mga rebelasyon ni Peter Joemel Advincula.
Kailangan din aniyang may mga pruweba itong maipakita at dapat din daw nitong isuko ang kanyang laptop o desktop unit na kanyang ginamit para mapatunayang siya ang nasa likod ng mga videos.
Sa ngayon, wala pang naghahain ng formal complaint sa PNP kaugnay rito.
Ani Banac, isang welcome development sa PNP ang paglantad ni Advincula para maresolba ang na ang kaso.
Marami pa aniyang dapat ipaliwanag ang lumantad na si “Bikoy” sa publiko dahil sa kaniyang mga seryosong akusasyon at ano ang kaniyang motibo.
“If at all the person who surfaced today is the authentic “Bikoy†who is the subject of an ongoing investigation, good for him because he just spared himself the trouble of having to hide behind the cloak of anonymity any further and allowed the opportunity substantiate his serious accusations and convince the Filipino people that he is worth listening to, otherwise, he is just wasting our time with his fantastic tale. At any rate, he still has a lot of explaining to do for his actions and the real motive behind it,” mensahe ni Banac.
Dagdag pa ng opisyal, hindi tumitigil ang Anti-Cybercrime Group sa pag-iimbestiga sa alias Bikoy videos.
Kasama na ngayon sa iimbestigahan ng PNP ang totoong identity ng lumantad na si Advincula.
Bukas naman ang PNP kung lumapit sa kanila si Advincula o sa National Bureau of Investigation (NBI).
“The PNP will continue its investigation and validate his identity as we do not take his claim at surface level. We will ascertain his identity based on evidence, and if he is willing, he may come over either to the NBI or the PNP,” dagdag ni Banac.