-- Advertisements --
BGeneral Bernard Banac
BGeneral Bernard Banac/ FB image

Dumepensa ang pamunuan ng pambansang pulisya sa naging pahayag ng Volunteers Against Crime and Corruption (VAC)) na hindi na ligtas manirahan sa Pilipinas dahil sa mga insidente ng kriminalidad.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, nauunawaan nila ang sentimiyento ng grupo pero ginagawa ng PNP ang lahat upang mapigilan ang mga krimen sa bansa.

Sinabi ni Banac kontrolado ng pambansang pulisya ang peace and order sa bansa.

Patunay dito ang pagbaba ng krimen sa buong bansa.

Nauna nang sinabi ni VACC President Arsenio “Boy” Evangelista na sa panahon ngayon, kahit sino ay basta-basta na lang tinatambangan.

Ito ay kasunod sa pananambang kay dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr. sa San Carlos City nitong Miyerkules ng hapon.

” Nauunawaan natin ang pahayag ng VACC. Ang maibibigay natin na assurance sa ating mga kababayan na wala po dapat ipangamba. Ang atin pong peace and order situation sa buong bansa ay under control base sa pinapakita ng ating mga datos mula ng 2016 hanggang sa kasalukuyan patuloy po na bumababa ang bilang ng krimen nationwide, crimes against person and against property dahil po sa maigting na kampanya laban sa kriminalidad,” pahayag ni BGen. Banac.