-- Advertisements --

Hindi nakikitang paglabag sa batas ng Philippine National Police (PNP) ang nakatakdang pagsususot ng masakara ng mga raliyista sa darating na malawakng kilos-protesta sa Setyembre 21, 2025 ukol sa nangyayaring kurapsyon sa flood control projects.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuano, kung pagbabasehan ang Batas Pambansa 880 ng taong 1985, tanging ipinagbabawal lamang ay ang pagdadala ng mga armas, matatalas na bagay at pag-vandalism.

Ilang mga grupo kasi ang nakatakdang magsagawa ng malawakang kilos protesta sa araw na ito suot ang mga maskara bilang pagtalima sa katiwalian at korapsyon na lumalaganap ngayon sa bansa.

Maliban dito ay nagpahayag naman ng kahandaan ang Pambansang Pulisya para sa ilalatag na seguridad sa mga programang ito partikular na sa mga pagdadausan ng mga raliyista.

Samantala, batay sa datos ng PNP, apat na grupo na ang kasalukuyang nakakuha ng sapat na permit upang magsagawa ng mga kilos protesta habang limang grupo naman ang nakakuha na ng kani-kanilang mga permit para sa ikakasang rally para naman bukas, Setyembre 13, sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.