-- Advertisements --
Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang low-pressure area (LPA) na matatagpuan sa silangan ng Mindanao nitong Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa kanilang advisory, sinabi ng ahensya na ang LPA ay matatagpuan sa 845 kilometro ng silangan ng Northeastern Mindanao at may mataas na posibilidad na mag-develop bilang tropical depression sa loob ng 24 oras.
Kapag naging tropical depression, ito ay papangalanang “Verbena.”
Batay naman sa forecast track, inaasahang maaapektuhan ng bagyo ang karamihan ng Visayas at Southern Luzon.
















