-- Advertisements --

pnpcovid1

Kinumpirma ni PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) PLt. Gen. Joselito Vera Cruz sa Bombo Radyo na negatibo siya sa Covid-19 virus matapos sumalang sa RT PCR test, kahapon.

Una ng inamin ni Lt.Gen. Vera Cruz na siya ay nag self-isolate matapos ma-exposed sa isang Covid positive individual nuong December 31,2021.

” Negative naman RT PCR ko Anne,” mensahe ni Vera Cruz sa Bombo Radyo.

sa datos ng PNP Health Service, ngayong araw sumirit sa 295 ang naitalang bagong covid 19 cases sa PNP kung saan umakyat sa 552 ang active cases.

Nakapagtala naman ang PNP ng bagong recoveries subalit walang naitalang nasawi.

pnpcovid

Ang PNP National Headquarters (NHQ) ay may naitalang 44 new cases ngayong araw, January 6,2022; NASU-50; NOSU-121 at sa mga Police Regional Offices ay nasa 80.

Naniniwala si Vera Cruz na ang pagtaas ng Covid-19 cases sa kanilang hanay ay posibleng dulot na ng Omicron variant.

Gayunpaman, wala pang formal na report na natanggap ang PNP mula sa Philippine Genome Center na Omicron variant ang tumama sa mga PNP personnel na positibo sa Covid-19.

” Most likely Anne kase ang taas ng positivity rate sa mga personnel na swab though wala formal findings transmitted to us by the Philippine Genome Center from specimens submitted to them for genome sequencing,” pahayag ni Lt. Gen. Vera Cruz.