Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na isa ang patay at dalawa ang sugatan matapos, bumagsak ang isang PNP Airbus H125 helicopter, bandang alas-8:05 ng umaga kanina sa may bahagi ng Barangay Pandan, Real Quezon.
Sakay sa nasabing helicopter ang tatlong crew mula sa PNP Air Unit.
Batay sa ulat galing sa Manila Domestic Airport sa Pasay City ang nasabing helicopter at patungo ito sa Balesin Airport sa Quezon para i-pick-up ang party ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos.
Si PLt Col. Dexter Vitug ang pilot-in-command ng nasabing helicopter habang ang co-pilot nito ay si PLt Col. Michael Melloria at ang crew na si Pat. Allen Noel Ona.
Sa ngayon inaalam pa kung ano ang sanhi ng pagbagsak ng nasabing chopper ng PNP.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na ang pumanaw ay ang crew na si Pat. Ona.
Habang sugatan naman sina Lt. Col. Vitug at Lt. Col. Melloria.
Ayon kay PNP PIO BGen Roderick Augustus Alba, pumanaw habang ginagamot sa crash site ang crew na narekober mula sa bumagsak na helicopter ng PNP.
Kinilala itong si Pat Allen Noel Ona na unang iniulat na nasa kritikal na kondisyon nang matagpuan ng mga rescue teams.
Ang dalawa pang sakay ng chopper na sina PLTCOL Dexter Vitug ang Pilot at PLTCOL Michael Melloria, Co-Pilot, ay naligtas mula sa crash site at agad dinala sa isang ospital sa Infanta, Quezon.
Bandang alas-2:00 ng hapon ng ilipat ang dalawang piloto sa Camp Crame General Hospital.
Ang PNP H125 Airbus helicopter na may tail Number RP-9710 ay unang iniulat na nawawala matapos lumipad mula sa Manila Domestic Airport kaninang alas- 6:00 ng umaga.
Natagpuan ito pasado alas 8 ng umaga matapos Bumagsak sa area ng Purok Mayaog, Brgy. Pandan, Real, Quezon habang patungo sa Balesin Airport, Quezon.
Iniimbestigahan na ngayon ng PNP ang sanhi ng pagbagsak ng nasabing helicopter.
Ito na ang ikalawang insidente na bumagsak ang helicopter ng PNP.
Ang unang insidente ay nangyari nuong March 2020 sa panahon ni retired PNP Chief Archie Gamboa.
Lulan sa nasabing chopper mismong Gamboa at ang tatlong heneral.