-- Advertisements --

guillorcpnp 2

Muling binigyang-diin ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na wala itong direktiba sa kaniyang mga tauhan na magsagawa ng profiling sa mga community pantry organizers.

Ayon kay Eleazar, walang masamang intensiyon ang PNP bagkus magsisilbi itong mensahe sa mga kapulisan na nasusunod ang minimum health safety protocol sa mga community pantries.

Aniya, nirerespeto ng pambansang pulisya ang karapatang pantao.

Sinabi ni PNP Chief ang paghingi ng paumanhin ng PNP Human Rights Affairs Office (PNP-HRAO) sa mga community pantry organizers ay patunay na ang PNP ay hindi kayang saktan at ipahamak ang mga ito.

Sa isinagawang pagdinig sa kongreso, humingi ng paumanhin si Calanoga sa mga community pantry organizers na nakaramdam ng takot.

Giit ni Eleazar, sa katunayan batay sa direktiba ni DILG Sec. Eduardo Ano sa PNP na tulungan at protektahan ang mga community pantry organizers sa kanilang mga areas of responsibility.

Ayon naman kay PNP-HRAO Chief, BGen. Vincent Calanoga, ongoing na sa ngayon ang imbestigasyon ukol sa alegasyon na police profiling sa mga organizers ng community pantry.

Kinumpirma ni Eleazar na bumuo na ng guidelines ang Directorate for Community Relations na siyang susundin ng mga police personnel sa pakikitungo sa mga organizers ng community pantries.

Sa nasabing guidelines, ang presensiya ng mga pulis sa mga community pantries ay para tiyakin na striktong nasusunod ang minimum public health safety standard.