-- Advertisements --

Nagpahayag ng pasasalamat si Rufa Mae Quinto sa San Francisco Police Department (SFPD) matapos itong magbigay ng parangal sa kanyang yumaong dating asawa na si Trevor Magallanes, na dating pulis sa lungsod.

Sa isang Instagram post noong Agosto 7, ibinahagi ni Rufa Mae ang pahayag ng pansamantalang hepe ng SFPD na si Paul Yep, na kinilala ang naging serbisyo ni Magallanes mula 2018 hanggang 2023 sa iba’t ibang distrito ng San Francisco.

Binanggit din sa pahayag ang anak nina Quinto at Magallanes na si Athena, na tinawag na ilaw ng kanyang buhay.

“Thank you for this honor. We love you, officer Trevor Magallanes,” ani Rufa Mae.

Maaalalang kinumpirma ni Rufa Mae ang pagpanaw ng kanyang dating asawa noong Hulyo 31, ngunit hindi pa isinasapubliko ang sanhi kung bakit ito namatay.