Naaresto ng mga otoridad sa Kuala Lumpur, Malaysia ang negosyanteng si Chanda Atienza.
Kinumpirma ito ng beauty queen at influencer an si Lars Pacheco.
Matagal ng pinaghahanap ng National Bureau of Investigation (NBI) si Atienza dahil sa investment scam at paglabag sa Securities Regulation Code.
Siya ang may-ari ng beauty clinic na Dermacare kung saan ilang mga artista ang naging brand ambassador nito gaya nina Rufa Mae Quinto at Neri Naig.
Kasamang naaresto ang kapatid ni Atienza na si Vilma.
Magugunitang noong 2024 ay inarest si Neri dahil sa inakusahan itong sangkot sa syndicated estafa mula sa mga biktima ng Dermacare.
Pagdating ng Marso 2025 ay nakita ng Pasay City Court na walang ebidensiya na siya ay sampahan ng kaso.
Habang noong Enero 8, 2025 ay boluntaryon sumuko sa NBI si Rufa Mae Quinto dahil sa warrant of arrest na inilabas ng korte sa Pasay City.
Nakpaglagak ang komedyante ng P1.7 milyon para sa pansamantalang kalayaan nito at pagdating ng Abril ay ibinasura ang kaso laban dito.
Nadamay lamang umano ang dalawa dahil sa pagiging brand ambassador na negosyo ni Atienza kaya isinama silang kasuhan ng mga nabiktimang investor.
















